Hala! Graduation Day Na!
Grabe! Malapit na malapit na pala! Bilang na bilang nalang ang mga araw ko sa Bulacan State University.
Shit-e naman oh.
Nakakalungkot
Kasi pakiramdam ko dito na matatapos ang pagiging estudyante ko. Parang ang feeling ko ngayon, malapit na akong mamatay… Hehehe. Syempre joke lang yun, pero kaya lang naman ako nalulungkot kasi mula bata ako, wala na akong ginawa kundi pumasok sa school, mag-aral, makipagkaibigan sa school, kumain ng lunch sa school at mag-practice ng jingle, yell, speech, at kung anu-ano pang extra curricular activities. Feeling ko ngayon, parang biglang tatanda na ako na biglang magsi-shift yung mundo ko from being a boy into a man. Putek! Ayoko ng naka-long sleeves at neck tie! Hahaha. Grabe… I’m out of words. Nakakalungkot talaga. Mami-miss ko yung mga kaibigan ko (kala mo hindi na magkikita ulit e nu), tsaka yung mga teachers ko (kunyari sobrang close kami ng lahat ng prof ko hahaha), tsaka yung school ko mismo (pero gusto naman laging uwian). Ang gulo ko din e nu. Basta, parang ang hirap mag-move on para sakin kahit naiisip ko palang.
Nakakatuwa
Kasi matatapos na din sa wakas ang lahat ng pressure ko sa buhay! Hahahaha (akala ko lang yon). Natutuwa ako kasi ang galing-galing ni Lord. Talagang sinamahan Niya ako throughout my college life. Hindi biro ang pagiging college nu! Kala nung iba na sobrang malaya ka na kapag college ka kasi hawak mo na din ang schedule mo, sus! Maling concept yon. Kailangan mong mag-aral ng maigi dito, kung hindi, pupulutin ka sa kangkungan. Kaya ngayong matatapos na ako, parang masasabi ko nalang na, “Ang dami ko na palang napagdaanan… Grabe, ganun-ganun lang, tapos eto na ako… Malapit nang matapos.” Kaya naman I am grateful talaga dahil ang awesome lang talaga ni Lord. Hindi Niya ako pinabayaan. Ramdam ko yon.
Nakakakaba
Eh kasi naman magta-trabaho na ako e! Aalis ako sa comfort zone ko papunta sa totoong battlefield. Bagong mga taong makakasalamuha ‘to kaya hindi ko alam kung paano na naman ako makikibagay sa kanila. Nakakakaba yung interview! Hahaha. Kanina kasi nasa seminar kaming mga graduating… Tapos tina-tackle nila yung about sa interview nga. Kaya ayun, grabe pala. Iniisip ko palang na andun na ako sa sitwasyon na yon, parang hindi ko na kaya. Pero basta! Ang sabi naman ni Lord, “Do not worry about tomorrow, let tomorrow worry for itself.” Kaya I have nothing to worried of. God will prepare everything for my future!
Nakakatakot
Yung thoughts palang na “Ga-graduate ka na! Ang next na dyan, trabaho na! Mabigat na task yan!” parang kinakain na agad ako eh. Bakit ba ganito ako? Ayoko na nga! Hindi dapat ako matakot! Pero… kahit naman i-deny ko ngayon, di ko parin mapigilan eh. Hahahah! Kaya ito nalang ang masasabi ko sa sarili ko:
“Oi Nhorren! Ga-graduate ka, hindi ka sasakay sa Space Shuttle kaya wag kang matakot! Yakang-yaka mo yan! Sus naman ‘tong batang ‘to oh! If God is for us, then who can stand against us? NOTHING di ba? Cheer up, boy! God is with you!”
“For I know the plans I have for you,” declares the Lord, “plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future.” —Jeremiah 29:11





